Una sa Balita

Matteo magpo-propose ng kasal kay Sarah sa Paris?

0 1,070

abante-paistaran-dondon-serminoKung paniniwalaan mo ang chikahan ng mga fan, mukhang magpo-propose na, o ­aalukin na ni Matteo Guidicelli ng kasal si Sarah Geronimo, ha!

Sa isang photo kasi na naglalakad ang dalawang tao, nakatalikod kasi, kaya mahirap kilalanin kung sino talaga sila, in-assume ng mga fan na sina Matteo at Sarah ‘yon. Nasa airport ang dalawa, at base sa caption ay magpupunta sila sa Paris, para mag-celebrate ng kanilang ika-5 taong relasyon.

“Enjoy. #5thanniversay #AshMatt,” caption lang sa photo na ‘yon na makikita sa Instagram account ng @sgloverforever25.

Siyempre, super tanong ang mga fan kung saan pupunta ang dalawa. At chika nga ng isa, sa Paris daw pupunta ang dalawa, dahil nag-post daw si Matteo ng picture sa bridge na may love locks, na may caption pa raw na, “we will lock it up soon”.

Pero, may isa rin na agad na kinontra ang chika na ‘yon, na sinabi ngang 2014 pa ‘yung post na ‘yon ni Matteo.

“Ah ganu’n ba, akala ko bago… Anyway ­kinilig pa rin ako,” sabi ng fan.

Siyempre, ang mga photo na ilalabas ng dalawa ang inaabangan ngayon ng mga fan nila. Malay nga naman natin, baka mag-­propose na talaga si Matteo kay Sarah, ha!

‘Yun ay kung bago nga ang mga photo na ito na lumalabas sa social media, na panakaw lang ang mga kuha.
Pero, base sa kuwentuhan ng mga fan, ramdam mo na gusto na talaga nila na ma­ging mag-asawa na sina Sarah at Matteo. Lamang na lamang ang nagsasabi, at humihi­ling na sana ay alukin na ng kasal ni Matteo si Sarah.

Anyway, heto pa ang ibang sey ng mga fan:

“Happy trip lovebirds.”

“Couple goals happy 5th anniversary a road to forever AshMatt.”

“Oh, wow ang AshMatt magkasama na ­naman.”

“My heart. My heart.”

Vina kinamumuhian ng mga fan ni Barbie

Natatawa si Vina Morales dahil marami raw mga client ng Ystilo Salon ang nagri-request na sila ni Shaina Magdayao ang maggupit, mag-ayos ng buhok, at mag-makeup sa kanila.

May mga pinagbibigyan naman daw sila, lalo na at super request talaga.

“Marunong talaga kami ni Shaina. We do our own makeup, at minsan nasa salon kami, tapos may client, nire-retouch namin, natutuwa naman sila.

“Pero I do my own hair, I do my own makeup, marunong din akong maggupit talaga. Natutunan ko na lang talaga. Ang Ate Sheila ko marunong talaga.

“Pinadadala rin namin ang mga senior stylist namin sa ibang bansa para mag-aral,” chika ni Vina.

Wala bang negative effect ang pagiging kontrabida niya sa seryeng “Araw Gabi”? Balitang galit na galit sa kanya ang mga fan ni Barbie Imperial dahil sa pananakit nito sa dalaga sa teleseryeng ito?

“Sa tagal ko na, wala naman, sabi nila, ‘I hate you Celestina’, ‘I love you Vina’, may mga ganu’n. Before affected sila nu’ng una akong nagkontrabida, pero dahil kilala naman nila akong hindi ako ganu’n, wala na.”

Anyway, sa tuwing anibersaryo ng Ystilo Salon ay nagbibigay sila ng malaking dis­kwento sa lahat ng mga client tulad sa hair coloring at rebonding ng 30% for standard and premium services (September 8-Oct. 30); hair color & rebond standard services 50% (Sept. 18,19 at 20); at hair treatment 20% (Sept. 8-Nov. 30).