Una sa Balita

Matteo ipinagtanggol si Kathryn sa ‘sakang’ isyu

By
0 139

Ipinagtanggol ni Matteo Guidicelli si Kathryn Bernardo sa na­ging viral ­video ni Xander Ford na may kinalaman sa kanyang legs, na tinawag ngang sakang.

“I think, Kathryn has the ­nicest legs and feet ever. Kathryn is a very beautiful woman.

“I’ve worked with Kath in I’m Falling In Love, I told them that kind be a huge beautiful woman.

“Her legs, it’s really beautiful. For me, ha, in my opinion,” sabi ni Matteo.

Unfair nga naman na gawing biro ang anuman tungkol sa pisikal na anyo ng tao dahil may kanya-kanya tayong kagandahan.

“She’s amazing, she’s beautiful,” dugtong pa ulit ni Matt.

Anyway, masaya si Matt na after five years ay muli silang nagkasama ni Kim Chiu sa isang project. Nagkasama sila noon sa TV series na Binondo Girl, at unang pelikula nila together ang The Ghost Bride ng Star Cinema.

Pagdating nga raw sa working relationship ay wala na silang gaanong adjustments na ginawa, pero ‘yun nga lang, kaila­ngang lagi siyang handa hindi dahil kay Kim kundi dahil sa kanilang direktor na si Chito Roño.

May image kasi ito na ‘terror’, ‘perfectionist’ bilang director at ilang artista na rin ang umaming nasigawan na sila ni ­Direk Chito. Pero, what makes him proud nga raw ay tahimik sa kanila ngayon si Direk.

Ayon kay Matt, wala naman sa kanila ang nasigawan dahil lahat sila ay dumarating na preparado, sa tamang oras at mga masunurin sa anumang rules nito.

Sa tingin ba niya ay si Kim na ang puwedeng tawaging Horror Princess?

Puwede naman daw at bakit hindi. Nakailang horror films na rin nga ito pero this time, siya na talaga ang bida. ‘Di okey.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy