Una sa Balita

Matteo humingi ng tawad kay Mommy Divine

0 739

Sobrang kinilig ang mga netizen sa latest Instagram post ni Matteo Guidicelli patungkol sa sayang kanyang nadarama ngayong alam na ng lahat na engaged na sila ni Sarah Geronimo.

“Family is my number one priority. In this next chapter of my life, I’m extremely excited to start my own family with the love of my life, my fiancée Sarah G.”

Pinasalamatan niya ang kanyang mga magulang sa mga aral na kanyang natutunan sa pagbuo ng isang ‘solid’ na pamilya. Sobrang tanggap rin daw ng kanyang pamilya si Sarah para maging kanyang kabiyak kaya’t nag-uumapaw ang kanyang puso sa kaligayahan.

Hindi tuloy naiwasan ni Matteo na balikan ang kanyang mga paghihirap para lamang ipaglaban ang kanyang pagmamahal kay Sarah. “People might be thinking that our relationship has been smooth sailing. But let me tell you, it hasn’t been easy. Sarah has been tough. I saw her grow, mature, and develop into an independent beautiful woman that I am extremely proud of! My love, thank you.

“I dream that one day both our families will sit around a dinner table and simply celebrate life. Love, happiness, joy and LIFE must always be celebrated.”

All caps ang “LIFE”. Ibig sabihin kaya nito ay ready na silang magkaanak nina Sarah?

Alam din ng lahat kung gaano ka-protective ang mga magulang ni Sarah sa kanilang anak. At dahil dito, may mga instance din siyempre na nag-away sina Matteo at mga magulang ni Sarah dahil sa kagustuhan niyang masungkit ang Popstar Royalty. Ngayong tagumpay siya, todo ang kanyang paghingi ng paumanhin at pang-unawa sa nakaraang mga sigalot nila.

“Tito Delfin and Tita Divine, if there have been hard feelings or events that were not supposed to happen in the past, I humbly apologize. I assure you that I will give Sarah a happy life with the best of my capabilities. With pure, honest love and respect. We wish to move forward with our life plans and begin this brand new chapter of our life.”

Sa huli, nangako si Matteo na aalagaan niya si Sarah gaya ng pagmamahal ng mga magulang nito sa kanya. Ngayon nga lang ba humihingi ng basbas si Matteo sa mga magulang ni Sarah?

Hangad umano ni Matteo na mapagbuklod ang kani-kanilang pamilya para na rin sa masayang pagsasama nilang dalawa ni Sarah. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy