Una sa Balita

Matteo hindi sasabak sa giyera

0 364

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyMuntik na palang mag-backout si Matteo Guidicelli sa training niya sa Philippine Military Scout Ran-ger dahil sa tindi at hirap nang pinagdaanan niya.

Sa panayam ng Abantelliling kay Matteo sa media launch ng Sunlife, sinabi niyang nung nasa bundok sila, natutulog lang sila sa lupa, damuhan, naliligo sa ilog at kumakain lang ng konti.

Hindi ganito ang buhay na kinalakihan niya kaya naman halos maiyak siya sa hirap at pagka-miss sa buhay na tinamasa niya bago siya sumabak sa training. Pero dahil bata pa raw siya ay pangarap na niyang magsundalo, hindi siya nagpagapi sa pagsubok at natapos niya ang training.

Kung dati ay bilib siya sa mga sundalo, ngayon ay mas lalong tumaas ang respeto niya sa mga ito.

Nilinaw lang ni Matteo na hindi sila sasabak pa sa giyera, pero tuloy-tuloy ang kanilang mga social activities at responsibilities gaya ng pagbisita nila sa Mindanao kamakailan lang.

Samantala, nagbalik-tanaw si Matteo sa yumao niyang lolo sa presscon ng Sunlife. Ang Italian grandfather ni Matteo ang itinuturing nyang lifetime partner nya sa buong buhay nya. Ang testimony ni Matteo ay kaugnay sa inilunsad ng Sunlife na “Kaakbay”.

Bukod kay Matteo, may lifetime video testimony rin sina Charo Santos-Concio, Enchong Dee, mag-amang Piolo, Iñigo Pascual.

Boobs ni Sheryl ‘paagaw’ sa IG

Kung kailan nag-mature saka naman nagpapaka-daring ang 90’s teen star na si Sheryl Cruz. Takaw-pansin ang Instagram photo niya dahil sa revea-ling outfit.
Naka-coat ang seasoned actress habang nakaupo sa stool. Bukas ang coat ni Sheryl at wala syang suot na kahit na anong panloob o undershirt.
Lumuluwa ang mala-bolang cleavage ng aktres. In fairness, may asim at tamis pa ang kaseksihan ni Sheryl sa edad nito ngayon, na siyang naging sentro ng comment ng kanyang mga follower.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy