Una sa Balita

Matteo gusto nang umiskor

0 594

Kasal muna bago buntis — Sarah

Kuwela talaga si Nico Bolzico pagdating sa pagka-caption. Ang lakas-lakas ng humor niya, ha!

Well, kamakailan nga ay sama-sama silang ang-anak ng binyag nina Matteo Guidicelli at Erwan Heussaff. At again, kaaliw ang caption ni Nico.
“Yesterday ninonging for Jacques Emmanuel Enrique Arce­nas Branellec aka Quique!

“Thanks Mia and Jakieboy for making me part of Quique’s life, and great call on getting Matteo and Erwan as back ups Ninongs, I dont think we will need them but good to have them just in case.

“#QuiqueBranellecInDaHauz,” sabi ni Nico.

Pero sa naturang photo, kitang-kita ang awra, o pagkinang ng mukha, mga mata ni Matteo habang nakatitig sa baby na hawak ng isang lalaki. Tingin ng mga fan, ramdam nila na gusto na ring magka-baby ni Matteo, ha!

Eh, mukhang handang-handa na rin naman si Sarah Geroni­mo na magka-baby, lalo na at sa isang episode ng ASAP, nagbiro na nga siya tungkol sa pagkakaroon ng baby.

Marami nga ang humuhula na bago matapos ang first quarter ng 2020 magaganap ang kasal nila ni Matteo.

“So, alam ko na ang gagawin ko kapag ako ang nagbuntis, pero asawa muna bago buntis. Kasal muna bago buntis,” biro ni Sarah sa mga kausap niya sa ASAP.

Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More