Una sa Balita

Matteo, gulat na gulat sa ‘BUNTIS’ isyu kay Sarah!

By
0 174

Maging si Matteo Guidicelli ay nagugulat sa mga naglalabasang isyu na buntis raw ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo. Mula mismo sa kanyang bibig nanggaling ang paglilinaw na hindi ito buntis.

Naging bulung-bulu­ngan ito sa showbiz dahil nga sa huling pangyayari na tila nagla-lie low nga­yon sa mga trabaho ang Pop Princess.

Sabi nga niya sa tsikahan nila ni MJ Felipe, “Nakarating nga sa akin ang balitang ‘yan and that’s not true at all.

“She was feeling really bad the past few weeks like fever or something but nothing serious.  She just need to rest.”

Malaki ang respeto ni Matteo sa relasyon nila ni Sarah at sa pangako nito sa mga magulang ng kanyang GF kaya marami ang naniniwalang hindi mangyayari ito sa hindi tamang panahon.

Kahit nga ang Viva big boss na si Vic del Rosario ay naniniwalang virgin pa ang prized-possession ngayon ng Viva kaya ma­ging siya ay hindi naniniwala na buntis ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More