Una sa Balita

Matteo ‘best boyfriend ever’ ni Sarah

0 1,052

abante-i-know-better-jun-nardoPinusuan talaga ni Matteo Guidicelli ang tila review niya sa pelikulang “Miss Granny” ng girlfriend na si Sarah Geronimo. Hindi naman daw siya totally biased sa post niya sa Instagram pero kambyo niya, “…hhhmmmm maybe a little but seriously speaking the film was fantastic!”

Buong ningning na ipinagmalaki ng BF ang GF nito in capital letters, “…she was GREAT, AMAZING, AWESOME AND BRILLIANT!!! All combined!”

Kilig naman si Bianca Gonzales sa post ni Matteo. Para naman sa ilang fan ni Sarah, si Matteo na ang best boyfriend ever ng kanilang idolo.

Of course, having a very supportive boyfriend like Matteo ay isang malaking factor na para sa Pop Star Princess para maging ganado siya sa pagtatrabaho, huh!

Maine inggit kay Sheena, gusto na ring pakasal

Nagbunyi si Maine Mendoza para sa kaibigan niyang si Sheena Halili dahil engaged na ito sa fiancé niyang si Jeron. Ipinadama ng Phenomenal Star sa kanyang tweet ang kaligayahan niya para sa kaibigan.

“Congratulations, friend! I am SOOO happy for you! This is it!!! I pray nothing but the best for you and Jeron. Stay happy @mysheena­halili!” tweet ni Meng na may litrato pa ng engagement ring na bigay kay Sheena ni Jeron, huh!

Para talaga sa non-showbiz guy ang byuti ni Sheena dahil hindi umabot sa engagement ang relasyon niya kina ­Rainier Castillo at ­Rocco Nacino, huh!

Well, may halong inggit kaya si Maine kay Sheena ngayon? Type na rin ba niyang pakasal? Pero, paano mangyayari ‘yon kung wala pa siyang bf, ‘di ba?