Matt ‘di kumagat sa Terrafirma Dyip

SUMAKAY sa unrestricted free agency rule ng PBA si Matt Ganuelas-Rosser.
Tinanggihan daw ng 31-anyos na Fil-Am ang offer ng Terrafirma para subukan kung ano ang value niya sa free agency.
Kasama si Ganuelas-Rosser sa 2014 PBA Draft, No. 4 pick ng NLEX Road Warriors.
Sa ilalim ng Ely Capacio Rule na epektibo ngayong taon, puwede nang maghanap ng bagong team ang isang player basta naka-pitong taon na sa liga at napasuhan ng kontrata.
Nag-expire na rin noong Dec. 31 ang deal ni Ganuelas-Rosser.
Sinalo ng Dyip ang kontrata ni Ganuelas-Rosser mula San Miguel Beer para sa CJ Perez trade noong nakaraang taon.
Hindi raw kinagat ng guard ang two-year offer ng Terrafirma.
Sa limang laro bago natigil ang Governors Cup, nag-average si Ganuelas-Rosser ng 5.0 points, 2.0 rebounds at 1.8 assists.
Isa siya sa pangunahing rotation ni coach Johnedel Cardel kasama nina Juami Tiongson, Roosevelt Adams, Aldrech Ramos at Andreas Cahilig. (VE)