Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Matinik na kawatan laglag sa Cabanatuan

0 105

Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isa sa most wanted person sa Bongabon, Nueva Ecija makaraang maaresto ito noong Sabado ng gabi sa Barangay Burgos, Cabanatuan City.

Sa ulat ni PCpt. Captain Romualdo Lopez, Bongabon acting police chief, katulong ang Cabanatuan City Police nang arestuhin si Alberto Santiago Rodico alyas ‘Alberto Santos Santiago’, 23, residente ng Purok 2, Brgy. Bantug Norte.

Alas-10:00 ng gabi armado ang mga pulis ng warrant of arrest kontra kay Rodico na nakatala bilang number 4 most wanted ng Bongabon dahil sa kinakaharap na kasong robbery.

Ang arrest warrant ay inisyu ni Presiding Judge Jihnmanuel Romano Nendoza ng RTC Branch 26, Cabanatuan City noong Enero 13, 2015. Pinayagan si Rodico na makapagpiyansa ng P100,000 para sa pansamantalang paglaya. (Jojo De Guzman)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.