Una sa Balita

Matinding traffic ngayong weekend

0 274

MAKAKARANAS na naman ng matinding trapik ngayong weekend ang mga moto­rista dahil isasara ang ilang kalsada sa Kalak­hang Maynila bunsod ng isasagawang road re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si­nimulan kagabi at hanggang sa Lunes nang umaga (Nob. 11).

Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga apek­tadong lugar sa road re-blocking ay ang Southbound ng EDSA Camp Crame Gate 1 hanggang pagkatapos ng Annapolis St. (tabi ng MRT); EDSA pagkatapos ng Muñoz hanggang Bansalangin St. (tabi ng bangketa) at G. Araneta Ba­yanin intersection.

Apektado rin ang Westbound ng Quirino Highway Nightingale to Zabarte Road (inner lane) at General Luis St. from Samonte St. hanggang SB Road.

Gayundin ang Eastbound Elliptical Road pagkatapos ng Mahar­lika St. (6th lane).

Kabilang din ang Northbound ng A. Bonifacio Ave. malapit sa Marvex Drive (2nd lane); Katipunan Ave./C-5 after CP Garcia St. harapan UP Town Center (truck lane) at EDSA after Aurora Blvd. hanggang New York St. (3rd lane).
Magsasagawa rin ng road re-blocking sa Congressional Ave. Ext.panulukan ng Luzon Ave. (2nd lane/center island) at pagkatapos ng Tandang Sora Ave.

(truck lane); Luzon Avenue bago mag-Congressional Ave. Ext. (1st lane/center island) at R. Magsaysay Blvd. after Magsaysay Bridge going Quiapo (inner lane).

Sinabi ng MMDA ang lahat ng nabanggit na mga lugar ay maaa­ring madaanan ito ng alas-5:00 nang umaga ng Lunes.

Kung kaya’t payo ng MMDA sa mga motorista na hangga’t maaari ay iwasan ang nabanggit na mga lugar upang hindi maabala sa kanilang pupuntahan. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy