Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Matinding siyapolan sa Santa Rosa 5-Cock

0 152

UMAATIKABONG bakbakan ang masisilayan ng mga sabungero sa magaganap na “JOE 419” sa Santa Rosa 5-Cock Derby na bibitawan sa state-of-the-art RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna ngayong araw.

Magkikita-kita ang mga tigasing breeder sa pa-derby ni Joe Ada na may pot money na P55,000 at minimum bet na P33,000.

Kabilang sa mga lalahok sina Ka Rex Cayanong, Richard Perez, Edwin Tose at Tito Den Jepoy sa derby na pinapayagan na maglaban ng hennies o binabae.

Gamit ang entry name na “Sabong On Air”, pakay ni Cayanong na sikwatin ang panglimang titulo ngayong taon.

Paniguradong masisiyahan din ang mga kasali at mga magta-trabisya dahill maaliwalas ang loob ng RIPER Sports Mega Cockpit na pag-aari ni Perez na isa ring matikas na breeder.

Ang Pit Manager ng nasabing sabungan ay si Gary Tesorero habang sina Bobby Andrews at Renato Shio ang ibang nagpapatakbo ng Santa Rosa Cockpit.

Para sa reservation ng cock house ay makipag-ugnayan kina Dennis (0977-3477300) at Bonjing (0921-3974577).

Samantala, palagi nang pinagdadausan malalaking derby ang RIPER Sports Mega Cockpit dahil ang nasabing sabungan ay may mga VIP. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.