Una sa Balita

Matinding pinsala ng kalamidad, isinisi sa kapabayaan ng tao sa kalikasan

By
0 663

ISINISI ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at pa­ngulo ng Caritas Internationalis ang matin­ding pinsala ng dalawang araw na ulan na nagdulot ng pagbaha sa Metro Manila at karatig lalawigan sa kapabaya­an ng tao sa kalikasan.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang naranasang matinding pagbaha ay paalala ng kawalang paggalang ng tao sa kapwa at kalikasan.

Iginiit ng Kardinal na ang kulturang tapon-tapon o kawalan ng pasintabi at kawalang paggalang sa kalikasan ay siya ring nagdudulot ng pinsala sa mamamayan.

Tinukoy ni Cardinal Tagle ang tone-toneladang basura na itinapon ng tao na ibinalik ng dagat.

Kasabay nito, nana­wagan ang Kardinal sa taumbayan na huwag na makadagdag sa pagkasira ng kalikasan.

Sinang-ayunan naman ni Marikina Ma­yor Marcelino Teodoro ang pahayag ni Cardinal Tagle na dapat pang paigtingin ang panga­ngalaga sa kalikasan.

Ayon kay Teodoro, ang pinsala ng ‘habagat’ ay ‘backlash’ nang hindi mabuting pangangalaga at pangangasiwa ng tao sa kalikasan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy