Una sa Balita

Matindi si Ma’am Teresa

0 243

Mga ka-Abante, may naging guest po muli tayo na isang marathoner, si Miss Teresa Generoso.

Isa siyang international marathoner, marami na siyang race na nasalihan at natapos with flying colors. Talagang nakabibilib si Miss Teresa, isa siyang ina, asawa at empleyado.

Isipin nyo mga ka-Abante, paano niya kaya ito napagsasabay? Maging empleyado ka lang ay mahirap na, paano pa kaya kung sasabayan mo ito ng pagtakbo?

Nabanggit ni Miss Teresa na nais niya na maging fit at healthy para sa kanyang walong taong gulang na anak. Dati ay buhay na buhay ang kanyang night life. Inom, gimik ngunit nabago ang lahat ng ito nang magsimula siyang tumakbo.

Healthy living na siya for 11 years.
Ang mas nakakatuwa, lahat sila sa pamil­ya ay nasa larangan ng sports. Ang kanyang mister at anak ay swimmer habang siya ay runner. Athletic at mga health buff na sila ngayon, mas may disiplina, lalo na pagdating sa pagkain.

Magandang halimbawa sila dahil kahit gaano ka-busy sa kanilang mga trabaho ay may time pa rin sila para sa kanilang kalusugan. Si Miss Teresa ay 46 years old na pero hindi ito halata mga ka-Abante.

Bagets na bagets pa rin si Madame, iba talaga kapag ikaw ay maalaga sa sarili.

Ang galing niya, talagang dapat hangaan. Bago pa man pumasok sa opisina bilang Accounting Supervisor, ginagampanan muna niya ang tungkulin bilang isang ina at asawa.

Tapos naman ay tatakbo na siya, training­ agad, walang excuses, laban kung laban. Kaya sa iyo Miss Teresa, God bless po, lagi po kaming nakasuporta sa inyo!

***
May nanalo na! Back to back champions­ ang San Miguel Beermen.

Tinapos nila ang serye kontra TNT, Game 6 ay nanalo na sila, hindi man lang nagpaabot ng Game 7, baka nga naman kasi masulot pa.

Congratulations din sa KaTropa, napakaganda ng laro na ipinakita nila, hindi naging madali para sa mga bata ni Coach Leo Austria na makuha ang titulo, puno ng talento at husay ang tropa ni Coach Bong Ravena, hindi maitatanggi na mahirap silang kalaban.

Experience ang naging isa sa mga alas ng Beermen para makuha ang titulo sa Commissioner’s Cup. Abangan na lang natin kung makukuha nila ang Grand Slam o nasa Magnolia Hotshots pa rin ang huling halakhak?

Pero teka, siyempre hindi papayag si Justin Brownlee na maka­bawi sa dara­ting na conference, kaya abang nal ang tayo mga ka-Abante.

***

Ilang linggo na lang at simula na ang Season 82 ng UAAP, Set­yembre 1 ang opening ng collegiate league, Setyembre 4 naman ang kick off ng basketball games, triple header agad, paniguradong exciting ito dahil sa mga bagong additions sa team. So mga ka-Abante, kitakits na lang tayo sa UAAP.

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan, Martes, 6pm. Salamat po. God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy