Una sa Balita

Matindi ang hatak ng Brgy Ginebra

0 428

Iba talaga ang hatak ng Barangay Ginebra sa mga fan, ibang klase ang loyalty ng mga ito.

Walang sawang suporta ang binibigay nila sa bawat laban ng koponan, manalo man o matalo.

Sa ginanap na victory party ng team ay dinagsa ito ng libo-libong mga fan.

Nangyari ito noong Lunes, Enero 20.

Isipin ninyo mga ka-Abante, kahit na Lunes pa ito ginanap at ito ay araw ng pasok ay talaga namang hindi nagdalawang isip ang mga fan na dumayo at makisaya sa Metrotent Convention Center sa Pasig.

Lutang na lutang ang ‘Never Say Die’ attitude ng fans sa gathering na ito, ilang taon na ang Ginebra sa PBA at ang pagmamahal sa kanila ay hindi nawawala.

Mas lalo pa ngang rumami ang mga fan nila na walang sawang sumusuporta.
Ang tagumpay nga ng Ginebra sa Governor’s Cup ay mas masarap para sa mga supporter nila, kitang-kita naman ang ngiting tagumpay sa mga mukha ng kanilang mga fan.

Ang sipag nila sa pagsigaw at palakpak sa bawat laro ay nagbunga na, nabawi na nila ang kampeonato!

Walang ibang magandang paraan para mag-celebrate ang Ginebra kung hindi gawin ito kasama ang mga fan!

Pero mga ka-Abante, ang ‘Never Say Die’ attitude ng Ginebra at ng mga fans nito ay gawin rin natin sa ating buhay, walang sukuan sa anumang laban!
***
Nagkaroon rin ako ng pagkakataong makapanayan ang poker player na si Flo Campomanes IV, sa panayam na ito ay mas nabigyang linaw niya kung ano nga ba ang poker, na hindi lang puro tungkol sa sugal ang poker.

Skills at strategy plus luck ang kakailanganin mo sa paglalaro nito, pero sabi niya nga, hindi para sa lahat ang paglalaro ng poker.
So ayun na!

‘Wag basta papasok sa anumang larangan kung hindi tayo magiging dedicated at committed dito ng solid mga ka-Abante!

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan, Martes, 6:00pm at ang Madam Guro, Sabado nang 1:00pm.

Salamat po! God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More