Una sa Balita

Math, science school sa bawat probinsya — Gatchalian

0 225

Naghain ng panukala si Senador Sherwin Gatcha­lian na naglalayong magtayo ng math at science school sa bawat lalawigan sa buong bansa.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 369 o Equitable Access to Math and S­cience Education Act, sa pagtatayo nito, magkakaroon na ng access ang mga mag-aaral na makapag-aral ng science at math-based education saan mang panig ng bansa.

Ayon kay Gatchalian,­ bagama’t patuloy namang pinapaganda ng gobyerno ang estado ng edukasyon, nananatiling sa bottom 50% pa rin ang Pilipinas sa Global Competitiveness Survey kung kalidad ng math at science­ education ang pag-uusapan.

Sa ilalim ng kanyang panukala, lahat ng lalawigan ay tatayuan ng tig-isang public math at science school sa ilalim ng pamamahala ng Department of Education (DepEd).

Ang math at science school ay kukunin sa pondo ng DepEd at isasama sa taunang General Appropriations Act.

Ang revised curricu­lum ng Philippine Science­ High School system para sa Grades 7-12 ang gagamiting basehan ng pagbalangkas sa naturang curriculum. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy