Una sa Balita

Mateos world’s No. 1 poker player pa rin

By
0 554

Patuloy na namamayagpag sa Global Poker Index (GPI) world ranking para sa Enero 2018 si Adrian Mateos ng Spain sa kanyang naipon na 3,588.10 puntos.

Ito ang ikawalong linggo sa tuktok ng world poker rankings ni Mateos na nakabase na ngayon sa London, United Kingdom. Si Mateos din ang itinanghal na 2017 GPI men’s Player of the Year.

Kabilang sa mga money finishes ni Mateos sa 2017 ang kanyang panalo sa No Limit Hold‘em-Mini High Roller sa Macau at sa No Limit Hold‘em-MILLIONS Finale sa Punta Cana, Dominican Republic.

Mainit din ang naging simula ni Mateos sa 2018 matapos pumang-apat sa No Limit Hold’em-PCA Main Event sa Paradise Island, Bahamas.

Apat na manlalaro mula ng Estados Unidos ang nakasama sa Top 10 sa katauhan nina No. 2 David Peters (3,277.36), No. 4 Bryn Kenney (3,246.69), No. 6 Jason Koon (3,215.65) at No. 10 Nick Petrangelo (3,132.10).

Pasok din sa Top 10 sina No. 3 Rainer Kempe (3,259.33) at Koray Aldemir (3,230.30) na kapwa mula sa Germany, No. 7 Alan Ari Engel ng Canada (3,193.02), No. 8 Stephen Chidwick ng United Kingdom (3,182.05) at No. 9 Stefan Schillhabel na isa ring German.(Noli Cruz)