Una sa Balita

Matatanda, may sakit na preso bigyan ng gamot — Bong Go

0 248

Inatasan ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang pamunuan ng Department of Health (DOH) na bigyan ng gamot at padalhan ng mga dialysis machine ang mga matatanda at may sakit na preso sa New Bilibid Prison (NBP).

Si Go na siyang chairman ng Se­nate Committee on Health ay nagsabing kalunos-lunos ang kalagayan ng mga bilanggo na tunay na may karamdaman na walang pampagamot dahil sa kahirapan sa buhay.

“Ang problema pa, walang mga gamot at kumpletong gamit ang infirmary ng NBP sa Muntinlupa kaya hindi nagagamot ang sakit nila na karaniwan ay ipinapasa Diyos na lamang nila”, ayon kay Go.

Kinausap ni Go si DOH Sec. Francisco Duque at nangako naman ang kalihim na magpapadala agad ng mga gamot sa naturang bilangguan kabilang na ang mga ‘maintenance medicine’ at dialysis machine para sa mga matatanda at may sakit na inmate.

“Sila ang mga dapat at tunay na nasa ospital para magamot at hindi ‘yung mga high profile inmate at mga drug lords ang binibigyan ng hospital leave para lang makalabas ng kulu­ngan at magpasarap doon” pahayag pa ng senador.

“Mga tao din ang mga ito na nagkasala at binabayaran o nabayaran na nila ang kanilang utang sa lipunan kaya marapat din lamang na gamutin at tulungan din sila ng estado,” ayon kay Go.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy