Una sa Balita

Matapos magka-cancer, iwan ng dyowa: Dayanara nakaranas ng himala

0 431

Featured sa latest issue ng People en Español si Miss Universe 1993 Dayanara Torres at ang pag-open up nito tungkol sa nangyayari sa buhay niya pagkatapos siyang ma-diagnose with skin cancer.

Ayon sa Puerto Rican beauty queen, ang pangyayaring ito sa buhay niya ang nagbukas ng mga mata niya sa mas magagandang bagay sa kanyang buhay.
“This situation has opened my eyes to so many beautiful things. It has reminded me of the giant power of prayer and that miracles happen every day,” sey ni Yari.

Sinasamahan si Yari ng kanyang inang si Luz Delgado at ng kapatid na si Jeannette Torres sa kanyang monthly radiation session sa ospital.

“She is telling God: ‘Lord, I am leaving this problem in your hands.’ She visualizes herself in the end completely healed because she knows she is experiencing a miracle,” diin pa ni Jeannette.

Marami ang naawa kay Yari nang kasabay ng pagkakaroon nito ng sakit ay nakipaghiwalay sa kanya over the phone ang fiancé niyang si Marvel film executive Louis D’Esposito. Tinuring na lang ni Yari na isang blessing in disguise ang lahat.

“Many people ask me: ‘How are you dealing with everything that is happening to you?’ Well, with a lot of gratitude. It’s ironic, right? In the midst of the pain, the fear and uncertainty, I have been able to remember how blessed I am. I feel very inspired, not only to heal but and feel 100 percent recovered in my health and in my heart, but also to continue to create awareness on how to prevent this disease and always maintain a positive attitude.” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy