Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Matapos bastusin mga anak: Mga DLSU student nagmakaawa kay Sunshine

0 1,440

In-expose ni Sunshine Cruz ang tatlong lalake na ginamit sa pambabastos sa social media ang mga anak niyang babae.

Lumabas na schoolmates pala ng kanyang mga anak ang tatlong lalake na ito sa De La Salle Santiago Zobel School kaya hindi makapaniwala ang aktres na magagawa ng mga ito ang kabastusan sa kababaihan.

“Schoolmates ng mga anak ko pa pala itong tatlo. I hope you’ll have the courage to face us and say these things straight to our faces,” tweet ni Sunshine.

Ang mga pangalan ng mga lalakeng ito ay sina Keno Damilles, Thirdy Fajardo, and Joshua De Jesus.

Pinost ni Sunshine ang ginawang apology ng tatlong lalake sa kanyang Facebook account. Pinadala ang apologies sa pamamagitan ng kanyang lawyer na si Bonifacio Alentajan.

Nagpadala ng isang apology video si John Kenneth Damaso Cruz. Na-stress daw siya sa nangyari kaya humihingi ito ng tawad kay Sunshine. Gayun din ang dalawa pang boys na humihingi ng tawad sa ginawa nilang pagkakamali.

Nagpadala rin ng apology ang student government body of De La Salle University (DLSU) at ang DLSU Business College Government (BCG) kay Sunshine at sa mga anak nito dahil sa ginawa ng kanilang student na lumabag sa “anti-sexual and discrimination harassment guidelines.” (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.