Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Matapang, ‘di pabebe: Ellen ‘nginaratan’ si Derek

0 159

Magkasundo sa lahat ng bagay sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Mula sa pagbuboksing, pamumundok, hanggang sa ‘wellness’ ay magkasama sila.

Makikita nga sa Instagram story ni Derek ang pagsabak nila sa isang procedure na kung saan ay tinatanggal ang mga toxins sa kanilang katawan. Na kinukunan sila ng dugo, inilalagay sa isang makina, at ibinabalik ulit sa kanila.

Pero, noong si Ellen na ang sumalang, ramdam ang takot sa kanya. At dahil alaga siyang ‘asarin’ ng mga kasamahan niya, makikita sa video ni Derek ang pag-dirty finger niya (o pagngarat gamit ang kanyang middle finger).

“Something wrong with your finger? Hahahaha!” tanong ni Derek kay Ellen.

“Come on, baby, man up! Man up! Akala ko ba brave ka? Oh, it’s in!

“She’s very, very brave!” sabi pa ni Derek.

Well, bongga nga na walang pakiyeme si Ellen, na ipinapakita talaga niya kay Derek kung sino siya. Na kaya niyang mag-dirty finger rito, na hindi tulad ng ibang babae na super pabebe o pa-girl sa harap ni Derek. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.