Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Matakot kayo sa karma’: Bossing Vic ‘tinigok’ sa YouTube

0 330

Matakot sana sa karma ang mga vlogger, content creator, na sobra-sobra o karumal-dumal kung gumawa ng pekeng kuwento, tungkol sa mga artista.

Kaloka lang na pati si Bossing Vic Sotto ay ginawan ng kuwento, na kesyo may malubhang sakit, o nakamamatay na sakit. Na kesyo naospital ito, at iyak nang iyak ang misis nitong si Pauleen Luna.

Heto nga ang mga pautot na title ng mga walang kaluluwa na vlogger na `yon: ‘Just Now! Vic Sotto isinugod sa ospital, aktor tuluyan nang namaalam’. At heto pa, ‘Vic Sotto isinugod ngayon sa isang hospital, isang pamamaalam.’

Kaloka rin na naka-off ang mga comment section ng mga vlog na `yon, kaya hindi sila matalakan ng mga subscriber sa YouTube.

Anyway, sa IG story ni Pauleen ay makikita si Tali na nagdu-drawing at mariringi ang boses ni Vic na aliw na aliw.

At sa Eat Bulaga (nitong Sabado ng tanghali), live na live si Bossing sa segment na ‘Bawal Judgmental’ ha!

Anyway, maraming netizen ang humihiling na ipa-ban o i-report ang mga vlogger na gumagawa ng mga karumal-dumal na pekeng balita.

Imagine, ‘tinigok’ nila si Bossing, samantalang buhay na buhay siya sa Eat Bulaga, at nagpapatawa pa!

Matakot kayo sa karma, ‘no!

Paano na si Grae? Joshua lakas ng tama kay Kira
SM SuperKidsDay Banner Ad

Kuwela na naman ang paandar ni Joshua Garcia, ha! Dramang-drama nga siya, at tila gusto nang bumigay.

“May mga bagay na alam mong hindi ka pinaglaban,” panimulang chika ni Joshua.

“Sa dami ng pinagdadaanan ko ngayon, hindi ko alam kung saan, at paano magsisimula muli?” umiiyak na sabi niya.

“Kaya dapat handang masaktan, lumuha at bumitaw. Pero handang magtiwala at magmahal muli kapag natagpuan mo na!” saad pa rin ni Joshua.

At `yun na nga, biglang sumigaw ng ‘cut’ ang direktor. At biglang nagpaalam nga si Joshua na gusto muna niyang magpa-fresh.

“Sana matagpuan ko na ang para sa akin,” sey pa ni Joshua, habang nakatitig kay Kira Balinger, na ang dating nga ay ang lakas ng tama niya sa mestisang dalaga.

Yes, si Kira nga ang tinitibok ng puso ni Joshua. Pero, sa commercial lang `yon ng sabon na ini-endorse nila, ang Dr. Alvin, Kojic acid soap.

Kaloka, di ba? ‘Yung tipong dalang-dala ka na, pero ang ending, commercial lang pala.

Pero teka, paano na si Grae Fernandez, na sabi-sabing jowa, ka-love team ni Kira? Eh, ngayon pa lang, ang dami na agad humihiling na pagtambalin sina Joshua at Kira sa teleserye at pelikula!

Katapusan na ba ng KiraGrae at simula naman ng JoshKira?

Abangan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.