Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Matagumpay sa pananalapi

0 70

Napanaginipan ko ilang beses na ang tungkol sa gold fish. Meron daw na nakita ko ang gold fish tsaka isa pang mas malaking isda na parang gold fish pero may halong ibang kulay, nasa ilog daw ‘yon. Meron naman isang beses nakita ko ‘yung gold fish sa aquarium, ‘yung malaking malaking aquarium daw pero gold fish lang ang laman. Hindi ko na maalala ang detalye pero ayun ‘yung pinakanatatandaan ko.

– Jevy

Isang magandang sign ang panaginip mo na tungkol sa gold fish. Pinararating nito na magkakaroon ka very soon ng magandang balita na may kinalaman sa pera o pinansyal na kalagayan ng iyong buhay.

Nakatakda na ring mawala ang mental stress o anumang bagay na gumagambala sa iyo sa mga nakalipas na panahon.

Kung nagtatrabaho ka ngayon, makakakita ka ng progress o pag-angat sa ‘yong posisyon o kaya naman ay sa sweldo na iyong natatanggap. Kung isa ka namang negosyante ay asahan mo na magkakaroon ng malaking pera na papasok sa business mo.

Positibong sign ang panaginip mong ito na nagsasabing mas tatatag ang iyong financial state.

Sa pangkalatahan naman, ang panaginip na tungkol sa isda ay nagsasabi na kontento ka sa iyong buhay ngayon. Nagbibigay din ito ng pag-asa na magkakaroon ng magandang pagbabago sa iyong waking life.

May mga pagpapakahulugan din na nagsasaad na ang gold fish sa panaginip ay sumisimbolo sa tagumpay na makakamit mo matapos ang isang mahabang pagtatrabaho o kaya naman ay pagsisikap para maabot ang gusto mong goal.

Nagsasabi rin ito na dapat kang mag-take ng risk at huwag basta balewalain ang mga opurtunidad na magbubukas sa iyo.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.