Una sa Balita

Matagumpay na road clearing, ibinida ni Año kay Duterte

0 363

Nakatugon at nakasunod umano sa direktiba ng Malacañang ang 17 na lungsod sa Metro Manila para linisin ang mga nakaharang na sasakyan at mga istraktura sa mga pampublikong kalsada.

Ito ang ini-report ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-42 Cabinet meeting sa Malacañang noong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Pesidential Spokesman Salvador Panelo na ibinida ni Año sa pulong ng gabinete ang matagumpay na kampanya para linisin ang lahat ng mga kalsada hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Batay sa report ni Año sa Pangulo, 75 mga lalawigan ang nagsumite ng report sa DILG at lahat ng 17 lungsod sa Metro Manila ay sumunod sa 60-araw na deadline para linisin ang kanilang nasasakupan.

Sumunod din aniya ang Regions 1-10 subalit walang detalye kung bakit hindi nabanggit ang Regions 11 at 12.

Sa kabuuan, batay sa report ni Año sa Palasyo, ay mayroong 6,899 na mga kalsadang nalinis mula sa mga harang at mga istraktura. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy