Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Matagal nang ‘di nababayaran life insurance ko, ano ang posibleng mangyari?

0 132

Dear Atty. Martin,

Sa hirap po ng buhay ngayong pandemya, madalas ay kulang ang aking budget at hindi ko nababayaran ang premiums ng life insurance ko. Ano po ang mangyayari sa insurance policy ko? – Joe

Dear Joe,

Naiintindihan ko ang iyong sitwasyon lalo nang tayo ay nasa pandemya. Ngayong pandemya, mahirap ang buhay at mas mahirap mag likom ng salapi para sa mga kailangan natin tulad ng pagkain, tubig, at kuryente.

Ngunit huwag mangamba. Ang pagbayad ng premiums sa insurance policy ay nakadepende sa mga kundisyon nito, tulad ng patungkol sa grace period.

Ang grace period ay ang panahon kung kailan ang policyholder ay puwede pang magbayad pagkatapos ng huling araw na nakatakda sa pagbayad ng premiums. Ang grace period ay nag-iiba sa haba ng oras o araw depende sa insurer o sa klase ng iyong insurance policy. Hindi makakansela ang insurance policy habang ang grace period ay epektibo pa.

Kung lumipas na ang grace period at hindi ka pa rin nakapagbayad ng premiums, maaring makansela ng insurer ang insurance policy mo. Kung ang pagbayad mo naman ay natigil sa cash value ng life insurance, maaring gamitin ng insurer ang cash value ng policy mo para masagot ang premiums. Kapag naubos na ang cash value mo, matatapos na ang policy mo.

Kahit pa may grace period ang insurance policy, mas maimam pa ring siguraduhing ikaw makababayad sa tamang panahon. Tandaan, ang grace period ay isang proteksyon lamang na inilaan para sa policyowner upang mabigyan ng isa pang pagkakataon na makapagbayad ng premiums.

Muli, maging mapagmatyag at ugaliing magtanong. Maging mapanuri sa mga mensahe at balitang natatanggap.

Si Atty. Martin Loon ay ang President & CEO ng Cocolife, ang pinakamalaking Filipino Life Insurance Company sa Pilipinas.

“Mas mainam na ang nakakasiguro”

Leave A Reply

Your email address will not be published.