Masyadong nag-aapura si Leni — PDU30

By ,

Pinasaringan kamaka­lawa ng gabi ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na masyadong atat maging Pangulo ng bansa.

“Ang mga kalaban ko, si Leni apurado masyadong maging presidente,” bahagi ng talumpati ng Pangulo sa Filipino community sa Myanmar kung saan kapansin-­pansin na wala ang titulong Vice President sa pag-address nito kay Robredo.

Agad naman itong sina­got ng kampo ni Robredo at mariing itinanggi na may ambisyon itong sungkitin ang trono ni Duterte.

“Rerespetuhin natin kung ano ‘yung sasabihin ng Pangulo, pero para kay VP Leni, ang tanging ina­apura lang niya talaga ay ‘yung magkaroon din ng hustisya para sa mga pamilya na naapektuhan ng extrajudicial killings, at saka magkaroon din ng pang­kabuhayan na programa ‘yung mga nangangaila­ngan,” ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ng Bise Presidente.

Hindi rin nakaligtas sa Pangulo si Sen. Antonio Trillanes. “Si Trillanes is a barking dog. He’s just a… you know this guy, he was the one na nag-mutiny. Naalaala ninyo ‘yung sa Makati? Look at this ­idiot. Nagpa-muti-mutiny,­ ‘yun palang kaduwagan niya pagda­ting ng pulis nag-surrender,” banat ng Pangulo kay Trillanes.

“Ang ginawa, ninakaw ‘yung lahat ng mga tuwalya sa Peninsula, mga bed sheets tanang kutsara. At hindi naman umabot ng barilan maski isang pu­tok tapos. I cannot picker for… Kayo ba? Nakita naman niyo ang behavior med­yo ano, pareho kay (Sen. Leila) De Lima,” dagdag ng Pangulo.

SHARE