Una sa Balita

Masyadong malaki ang ari ko

0 439

Dear Dra Holmes:

Malaki po ang ari ko. Hindi po ako nagyayabang, pero 9 inches po. Nabasa o po sa kolum ninyo na ang Pinoy kapag galit si Manoy ay 4-6 pulgada.

Mahirap po ang may malaking ari. Natatakot ang mga babae kapag nakita nila ganun kalaki ang ari ko. Ang iba ay hindi papayag. Ang iba ay umiiyak.
Ang hirap magkumbinsi sa babae na subukan kahit sandali lang. Minsan mas maganda ang babaeng bayaran. Humihingi po ako ng payo sa inyo. Salamat po.
Reynaldo

Dear Reynaldo,
Maraming Salamat sa sulat mo. Humingi ka ng payo dahil 9 pugada ang ari mo at totoo yun, ito ay mas Malaki sa karamihan ng mga Pinoy. Totoo rin na ito ay mas Malaki sa karaniwang foreigner.

Sa aking opinyon, maari kitang bigyan ng payo sa 2 kategoriya: tungkol sa pagsisiping mismo o tungkol sa iyong mga relasyon.

Mas madali magbigay ng payo tungkol sa pagsisi-ping so, kung ok lang sa iyo, ito ang aking gagawin.

Marami kang makakatagpong mga babae na matatakot sa laki ng ari mo. Mas maniniwala sila na hindi sila masasaktan kung talagang alam mo ito. Kung hindi mo lang sila binobola.

Paano mo magagawa yan? Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga paraan na hindi ilalagay ng lalake ang kaniyang buong ari sa babae. Malamang mga 5 o 6 pulgada lang.

Ito ay hindi bagong payo. Si Dr. Helen Singer Kaplan, ang dating Direktor ng Payne Whitney Sex Therapy Unit sa Cornell Medical Center ay nagkuwento ng paraan na natulong nila ang mga mag asawa kung ang lalake ay Amerikano at ang babae ay taga-Asia. TO BE CONTINUED

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Sulatan siya sa kanyang Facebook: Dr. Margarita Holmes
http://www.facebook.com/drmargieholmes

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy