Una sa Balita

Masyadong malaki ang ari ko (3)

0 1,190

Dear Dra Holmes: (shortened July 8 letter)
Mahirap po ang may malaking ari. Natatakot ang mga babae kapag nakita nila ganong ka­laki ang ari ko. Ang iba ay hindi papaya o iiyak. Minsan mas maganda ang babaeng bayaran. Humihingi po ako ng payo. Salamat.

Reynaldo
Dear Reynaldo:

Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish nang buo noong nakaraang Lunes, Hulyo 8. Sa hu­ling kolum ko noong nakaraang Miyerkoles, Hul­yo 10, pinag-usapan ko ang cock ring at papaano ito makakatulong sa pagsisiping kung napakalaki ng ari ng lalaki.

Bago ko pag-usapan ang nagagawa ng emos­yon sa pagsisiping, eto pa ang iilang payo para sa pagsisiping kapag malaki ang ari mo:

Gamitin ang mga posisyon na HINDI malalalim ang pagpasok ng ari ng lalaki, kagaya ng missionary position (nasa ibabaw ang lalaki) na ang mga binti ng babae ay nasa sahig.

Maaari ring gamitin ang mga posisyon na ang babae ay nasa kompletong control (in complete control) kung gaano kalalalim niya gusto ang ari ng lalaki sa loob niya.

Natatandaan mo rin ba na sa huling kolum ko, sinabi ko rin na ang paggamit nito ay nakakatulong hindi lang sa larangang pisikal, pero sa larangang emosyonal at sikolohikal din.

‘Yan ay dahil makikita ng babae, dearest Reynaldo, na ang mga ginagawa para hindi siya masaktan ay lahat para sa kaniya. Kapag natanto niya ito, maaaring hindi na siya matatakot o, at least bababa ang kaniyang takot.

At ito—ang pagbaba ng takot at pagka­balisa—ay magbibigay ng espasyo sa puso niya (at sana sa puso mo rin) na matanto na ang pagsisi­ping na kasama ang pagmamahal ang kadalasang (pero hindi naman lagging) pinakamasarap na klaseng pagsisiping. I­ngat—MG Holmes

Si Dra ­Holmes at nagsusulat sa Abante sa Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Marga­rita Holmes

http://www.facebook.com/drmargieholmes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy