Una sa Balita

Masyadong malaki ang ari ko (2)

0 700

WALANG BOLAHAN
Dra. Margarita Holmes

Dear Dra. Holmes:
Mahirap po ang may malaking ari. Natatakot ang mga babae kapag nakita nila ganong kalaki ang ari ko. Ang iba ay hindi papaya o iiyak.

Minsan mas maganda ang babaeng bayaran. Humihingi po ako ng payo. Salamat. Reynaldo
Dear Reynaldo:

Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish nang buo noong nakaraang Lunes, Hulyo 8. Sa kolum na ‘yon, inum­pisahan kong ulitin ang payo ng dating direktora ng Payne Whitney Sex Therapy Unit sa Cornell Medical Center dahil marami silang mga kliente na Amerikanong la­laki (puti at African-Ame­rican) na nag-asawa ng mga babaeng taga-Asya, lalo na pagakatapos ng Vietnam War.

Dahil nasasaktan ang mga asawa nila sa haba ng mga ari, natuto silang gumamit ng ‘cock ring’ na nilalagay sa ari baras (penile shaft) ng lalaki.

Hindi ito ang pangkaraniwang layunin ng ari baras, na kadalsan ay ginagamit para tumagal ang pagtayo ng ari (erection) sa pamamagitan ng pagtigil ng takbo ng dugo mula sa loob ng ari ng la­laki (na siyang pampatigas ng ari) sa iba’t ibang parte ng katawan (na na­tural namang mangyari sa ka­tapusan ng pagsisiping).

Pero minsan may problema ang lalaki tungkol sa sirkulasyon ng kaniyang dugo. Iniiwanan ng dugo ang ari ng lalaki kaagad kaya lalambot ito. Ang cock ring, sa ganitong sitwasyon ay paraan para mabitag (trap)/maiwan ang dugo sa ari para manatiling matigas ito. Kapag tapos na ang pagsisiping, tinatanggal na ng lalaki itong cock ring.

Pero iba ang layunin ng cock ring kung ang lalaki ay napakalaki. Dito ang cock ring ay ginagamit bilang hangganan, para malaman ng lalaki na hindi niya puwedeng itulak ang kaniyang ari lampas doon.

Talagang nakatulong sa kanilang pagsisiping ang cock ring, ayon sa mga mag-asawang gumamit nito. Ito ay nakakatulong hindi lang sa larangang pisikal, pero sa larangang emosyonal at sikolohikal rin.

Mayroon ka pang ibang magagawa para hindi masyadong balakid (obstacle) ang iyong pagsiping. Papag-usapan natin ito sa Biyernes. FINAL INSTALLENT FRIDAY

Si Dra Holmes at nagsusulat sa Abante sa Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Marga­rita ­Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy