Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Masustansyang pagkain hinain ng community kitchen

0 84

Upang makatulong sa mga apektadong pamilya at nawalan ng trabaho, nagsagawa ng feeding program ang community kitchen ng ‘Kusinang Bayan’ sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan na sinailalim sa mahigpit na community quarantine dulot ng pandemya.

Ang community kitchen program ay inisyatibo ng mga pribadong grupo kung saan ay mas masustansiyang pagkain ang kanilang ipinamamahagi kumpara sa karaniwang ang mga ipinamumudmod ay mga instant noodles at delata o canned goods.

Sa kanilang Facebook post, ang Save San Roque Alliance ay nakapamahagi na sa 6,000 pamilya sa Sitio San Roque na apektado ng istriktong paghihigpit upang maiwasan ang hawaan sa COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Upang masuportahan ang mga mahihirap na pamilya sa komunidad, ang alyansa ng mga indibidwal sa pakikiisa ng mga mahihirap na residente ng Sitio San Roque ay nagsama-sama sa muling pagbubukas ng ‘Kusinang Bayan’ nitong April 1.

Ang mga maiinit pang masusustansiyang pagkain na boluntaryong niluluto ng ‘Kusinang Bayan’ ay kinabibilangan ng sariwang mga gulay at karne ay kinukuha sa local market ng Sitio San Roque at mga kalapit na palengke, upang masuportahan din ang mga vendor at pamilya nito sa lugar.

Kaugnay nito, nanawagan ang komunidad ng Sitio San Roque para sa mga nais magbigay ng donasyon upang maipagpatuloy ang kanilang programa, namamahagi rin kasi ng tulong ang grupo sa iba pang mga lugar sa Metro Manila tulad sa Brgy. Tatalon, Quezon City at Payatas. (Dolly Cabreza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.