Una sa Balita

Masturbating in public (4)

0 573

Dear Dra Holmes: (shortened Apr 8 letter)
My 6-year old grandson Eman has lived with us for the past 5 years years. His parents are OFWs in Saudi. They visit every 10 months.

I witnessed Eman putting his hands in his pants and leaving it there!! The first time I saw this, I screamed and told him God would punish him. He stopped and started crying.

My grandson doesn’t do this when I am around, But his yaya says he still does this when I am not around. How can stop him from doing this? Worried Lola

Dear WL (Worried Lola) :

Maraming salamat po sa inyong sulat na una nating pinublish nang buo noong nakaraang Lunes. Abril 8. Sa huling kolum natin noong nakaraang Biyernes, Abril 12, sinabi ko na sana huwag mo siyang husgahan muli dahil natural lang para sa mga kaedad niya na ilagay ang kamay nila sa pantalon nila.

Pero, naiintindihan ko: Kahit na subukan mong tanggapin ang kaniyang ginagawa, gusto mo ring malaman kung paano matitigil ni Eman itong gawain.

Ang susunod ay mga mungkahi na tila pinakaepektibo para tumigil si Eman at ang mga kaedad niyang mag-masturbate sa publiko (in public):

1. Magbigay o magmungkahi ng ibang magagawa ng bata para tumigil/matanggal niya ang kaniyang kamay sa pantalon niya. Halimbawa, magbasketbol siya, kasama ang kaniyang mga pinsan o tiyo (dahil OFW ang tatay niya, ‘di ba, WL?)

2. Ipaliwanag mo kay Eman na kahit na hindi masamang mag-masturbate, hindi ito ginagawa sa publiko. Maaaring makatulong lalong maintindihan ni Eman kung magbibigay ka ng halimbawa. Ang pagkukulangot ay hindi masama pero kailangang huwag gawin sa publiko. Pareho rin ang masturbation.

3. Huwag siyang takutin, pahiyain o pagalitan. Mabuti kung kalmado ka lang sa iyong sinasabi, para kung mayroon siyang gustong itanong, hindi siya matatakot magtanong sa iyo.

Inaasahan ko na makakatulong ito sa iyo, WL. Sa aking karanasan, ang 3 mungkahing ito ang pinakaepektibo na magagawa. Sana sulatan mo ulit ako kung mayroon pa akong maipaglilingkod sa iyo. Ingat at salamat—MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy