Una sa Balita

Masturbating in public (3)

0 826

Dear Dra Holmes: (shortened April 8 letter)

My 6-year old grandson Eman has lived with us for the past 5 years years. His parents are OFWs in Saudi. They visit every 10 months.

I witnessed Eman putting his hands in his pants and leaving it there!! The first time I saw this, I screamed and told him God would punish him. He stopped and started crying.

My grandson doesn’t do this when I am around, But his yaya says he still does this when I am not around. How can stop him from doing this?.
Worried Lola

Dear WL (Worried Lola) :
Maraming salamat po sa inyong sulat na una nating pi-nublish nang buo noong nakaraang Lunes. Abril 8. Sa huling kolum natin noong nakaraang Miyerkoles, Abril 10, sinabi ko na natural lang na ang apo mong si Eman ay hahawakan ang ari niya hindi dahil ‘sex pervert’ siya, pero dahil nasasarapan siyang gawin ito. Hindi siya titigil, dahil masarap ngang gawin ito, pero titigil siya kapag nandoon ka, dahil ayaw niyang mapagalitan uli.

Kung kaya mong tanggapin na hindi ito masama, kung kaya mong kumilos na hindi na matatakot lumapit sa iyo si Eman, matuturuan mo siyang kumilos nang mas matino.
Hindi ako umaasa na tatanggapin mo na natural lamang at kanais-nais na kahit ang mga lalaking 6-taong gulang pa lamang ay nagma-masturbate (self pleasure). ‘Yan ay masyadong maganda para maging totoo. Ang inaasahan ko lang ay hindi mo huhusgahan si Eman nang napakalupit. In fact, sana ay hindi mo husgahan siya sa lahat.

Ang mapupulot niya sa iyong hindi pagtanggap ng kaniyang ginagawa ay maaaring makaapekto sa kaniyang tingin sa sarili (self concept) o mga relasyon niya sa kinabukasan. Final installment sa Lunes.

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy