Una sa Balita

Masturbating in public (2)

0 435

Dear Dra Holmes: (shortened Apr 8 letter)

My 6-year old grandson Eman has lived with us for the past 5 years years. His parents are OFWs in Saudi. They visit every 10 months.

I witnessed Eman putting his hands in his pants and leaving it there!! The first time I saw this, I screamed and told him God would punish him. He stopped and started crying.

My grandson doesn’t do this when I am around, But his yaya says he still does this when I am not around. How can stop him from doing this?.
Worried Lola

Dear WL (Worried Lola) :

Maraming salamat po sa inyong sulat na una na­ting pinublish nang buo noong nakaraang Lunes. Abril 8. Doon sinabi ko na tila tatalakayin natin muna ang isyu tungkol sa iyong apo.

Unang una po, Mrs WL, gusto ko kayong muling bigyan ng katiyakan tungkol sa paglagay ni Eman ng kaniyang kamay sa loob ng pantalon niya. Kadalasan, wala itong kinalaman sa sex.

Natural lang po para sa isang bata na i-explore ang iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Kahit ang mga sanggol ay binubunot ang kanilang ari, kagaya ng pagbubunot nila ng kanilang mga tenga at daliri sa paa.

Walang kahulugan ito kundi una, ang pag-explore at ikalawa, ang pagbabalik sa isang bahagi ng katawan na nagbibigay ng kasiyahan at kasarapan sa isang tao.

So babalikan ng isang sanggol o bata (kagaya ni Eman) ang kahit anong nagbibigay ng kasiyahan sa kaniya, kagaya ng paghawak ng kaniyang ari.

Pero kahit walang masama (sa larangan ng sikolohiya, kalusugan ng katawan, o karunungan), minsan mahirap taggapin lang ang ginagawa ng apo mo, lalo na kapag maraming tao ang nakikita ito. TO BE CONTINUED.

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita ­Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy