Una sa Balita

Master plan sa Manila Bay rehab ilantad

0 408

PINALALANTAD ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casi­lao sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang master plan sa kontrobersyal na Manila Bay rehabilitation kasabay ng apela sa House committee on natural resources and eco­logy na tutukan ang nasabing proyekto ng gobyerno.

“While we are not opposing the rehabilitation, it must be done in a manner that its so-called benefits will not adversely affect the small stakeholders. According to fisher folk group Pamalakaya, an estimated 300,000 residents made up mostly of small fisher folks, will be affected by the inter-city clean up and rehabilitation,” sabi pa ni Casilao.

Plano ng Makabayan bloc na mag-file ng resolus­yon sa Kamara upang atasan ang DENR na isapubliko ang detalye ng master plan ng Manila Bay rehab para malaman ang epekto nito sa apektadong komunidad.

Duda ang Pamalakaya at ilang environmental groups na ginagamit lamang na ‘front’ ang rehabilitasyon para sa large-scale reclamation para sa commercial ventures sa Manila Bay.

Ayon sa grupo, tinata­yang nasa 32,492.56 ektarya ng Manila Bay ang iri-reclaim para gamitin sa negosyo at turismo, kabilang ang pagpapatayo ng mga hotels, elite residences at casino. Mayroon umanong 43 reclamation project ang inaprubahan at pending for approval na sumasakop sa buong Manila Bay.

Magugunita na binatikos ni Casilao ang DENR at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kanilang anti-urban poor campaign at paninisi sa mga mahihirap sa paligid ng baybayin na dahilan ng ­polusyon.