Mass vaccination vs monkeypox hindi kailangan – WHO

Kumbinsido ang isang opisyal ng World Health Organization (WHO) na hindi kailangan ang mass vaccination para makaiwas sa monkeypox kahit kumakalat na ito ngayon sa labas ng Africa.
Ayon kay Dr. Richard Pebody, leader ng pathogen team ng WHO sa Europe, maaari namang maiwasan at makontrol ang pagkalat ng monkeypox sa pamamagitan ng kalinisan sa katawan at safe sex.
Limitado rin aniya ang supply ng bakuna at antivirals kaya imposible ang iminumungkahing masss vaccination.
Reaksiyon ito ni Pebody sa pahayag ng US Centers for Disease Control and Prevention na nasa proseso na sila ng pagpapalabas ng Jynneos vaccine doses para magamit sa kaso ng monkeypox.
Ilan sa mga bansang mayroon nang monkeypox virus ay ang Australia, Canada, France, Germany, Portugal, Spain, U.S.A at Sweden.