Una sa Balita

Mass testing suportado ni Duterte

0 448

Handang suportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahing mass testing para mabilis na malaman at maagapan ang coronavirus disease 2019.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi magiging problema ang mass testing kung mayroon ng sapat na kagamitan ang gobyerno.

Mahalaga aniyang malaman kung sino ang may COVID-19 at wala para maihiwalay ang mga ito sa mga walang sakit.

“Susuportahan ni Presidente yan kung nandiyan na lahat yung kasangkapan. Kasi kung wala naman eh papano natin maipatupad yon,” ani Panelo.

Kasama aniya sa tinatalakay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease ang paghahanap ngayon ng mga government facility para maging isolation at quarantine area ng mga pasyenteng makitaan ng COVID-19.

“Naghahanap na nga tayo ng mga ospital na puwedeng paglagyan lamang ng lahat para isa lamang na lugar na mayroong infected. At mayroon ding isang dapat na lugar na under monitoring at isang dapat na lugar na under investigation,” dagdag ni Panelo.

Mahalaga aniya na mailayo sa populasyong walang sintomas ang mga kinapitan ng COVID-19 dahil ang layunin ng gobyerno ay mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.(Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More