Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mass testing kailangan para gumulong ekonomiya – SMB boss

0 409

Para kay San Miguel Corporation (SMC) President at CEO Ramon S. Ang, hindi kakayanin ng anumang bansa ang forever na naka-lockdown.

Aniya, kailangan ng mga tao na magtrabaho para may ipambayad sa mga pangunahing pangangailangan kabilang na ang mga bayarin sa kuryente at tubig.

Kaya mahalagang maging balanse, at isa raw sa susi nito ang magsagawa ng mass testing.

Dapat din aniyang magkaroon ng quarantine area sa mga magpopositibo at hindi muna dapat pauwiin sa kanilang mga bahay dahil makakahawa pa ang mga ito ng ibang tao.

“We cannot test them and then send them back to their home and then infect everybody else. So if we want the economy to start rolling again, what is most important is testing,” wika ni Ang.

Dagdag niya, kung nais maibalik ang tiwala ng mga Pilipino na magbukas ng negosyo ay kailangan ang mass testing dahil kung hindi, mawawalan ng trabaho ang mga empleyado at maaapektuhan ang kanilang pamilya.

“If you want confident of the people to start business, you must have mass testing. We are 110M population, in Metro Manila we are 10 to 20M people. 10M at night, 20M at day time. We should at least test 10M people,” suhestiyon ni Ang.

“So what is most important is that we should convince all the Filipino businessmen to invest and start investing and start working because if they are all going to hide in their home, the investors, the financiers will be okay. But, their employees will lose jobs and those employees what will happen to their family,” dagdag niya. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.