Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mass hiring ng mga nurse hiniling

0 441

NANAWAGAN sa gobyerno si Maristela Abenojar ng Filipino Nurses United na mag-empleyo ng mas maraming nurse.

Ayon kay Abenojar, kapos na kapos ang mga nurses sa bansa kahit bago pa magka-COVID.

“Madaming health workers na ang nahawa at namatay. Panawagan na magkaroon na ng mass hiring ng nurses. Para may papalit sa nurses na naka-quarantine ngayon,” ayon pa kinatawan ng mgaa Pinoy nurses sa panayam sa CNN.

Sabi pa ni Abenojar na nagpatupad ang Department of Health (DOH) ng 30% bed capacity sa COVID pero hindi natatapatan ng health workers kagaya ng nangyari sa PGH, 198 pasyente nila dadagdagan ang beds pero walang dagdag na nurses,” himutok pa nito.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.