Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Masisilat sa INC? CBCP matunog na papalit sa ABS-CBN

0 1,174

RP

Ngayong tuluyan nang nabasura ang franchise renewal ng ABS-CBN, lumutang na ang mga posibleng kumuha ng binakanteng frequency ng nasabing network.

Bagama’t may mga ilang ulat na na nagsasabing nais ng Iglesia Ni Cristo na makuha ang Channel 2, isa pang religious group ang mahigpit na makakalaban ng INC para sa mainit na frequency.

Sa report ng Politiko, isang source mula sa National Telecommunications Commission (NTC), ang naghayag na namumuro ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para makuha ang frequency ng ABS-CBN.

Ang CBCP ang nagpapatakbo ng Catholic Media Network, na sa ngayon ay mayroong 29 AM station at 33 FM station sa buong bansa, kung saan ang Radyo Veritas ang kanilang flagship station, at matagal na rin umanong nag-aasam na mapasok ang mundo ng telebisyon.

Bukod pa dito, tinuturing na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang presidente ng CBCP na si Davao Archbishop Romulo Valles, patunay ang pagsama nito sa inagurasyon noong maging Presidente si Duterte, at pagbinyag sa apo ng Pangulo noong 2017.

Maliban sa CBCP, pinangalan din ang Manila Broadcastin Corp. na isa sa mga nagmamatyag para sa frequency.

Nilinaw naman ng source na hindi pinapa-bid ang mga frequency para sa digital terrestrial television broadcast service, at ina-assign base sa legal, technical at financial capacity ng magiging may-ari ng prangkisa.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.