Una sa Balita

Masisi ba natin si Romeo?

0 383

Ferdz Delos Santos

Bugso ng damdamin. Init ng ulo. Dala ng emos­yon.

Isa dito, o marahil lahat ito, naramdaman ni San Miguel controversial guard Terrence Romeo nitong Mayo 3, Biyernes, sa Game 2 ng best-of-seven final series nila ng Magnolia Hotshots sa 2019 PBA Philippine Cup kung saan nanalo ang SMB 108-101.

Sumabog na naman sa galit ang fiery guard nang ma-hard foul siya ni Magnolia counterpart Mark Barroca sa 6:23 mark ng fourth period at malakas na maipasa ang bola sa referee para tawagan siya ng unang technical foul.

Patuloy na umaa­ngal sa technical si Romeo kahit inaawat na siya ng mga kakam­pi at ni San Miguel gover­nor Robert Non kaya napituhan siya ng second ‘T’ dahilan para ma-thrown out siya sa laro.

Napaka-pisikal na laro ang basketbol. Sabi nga nila, kung ayaw mo masaktan, mag-chess ka na lang.

Pero masisisi ba natin kung bakit ganun katindi ang galit o emosyon ni Romeo nu’ng mga sandaling iyun?

Marahil ay sobrang taas ng competitive spirit ni Terence kaya ipinaglaban niya ang sa tingin niya ay tama, sukdulang pati isa sa mga big boss niya na si Mr. Non ay hindi niya pinapansin habang ina­awat siya, na ikinairita rin nito sa player.

Hindi lang iisang beses nadawit sa kontrobersiya si Romeo. Marami ang nayayabangan sa ugali niya. Pero marami rin ang patuloy na bumibilib.

Sa NBA, normal lang ang mga ganyang eksena. Pero hindi naman big deal pagkatapos.

Sana hindi na rin maging big deal sa atin, aminin natin at hindi, masarap panoo­rin ang isang Terrence Romeo sa loob ng hardcourt.

Ang kanyang galit at pagsabog, lumilipas naman matapos ang nasabing laban.
Kaya sino tayo para husgahan si Romeo?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy