Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Masbate vice mayor dinampot sa Yuson murder

0 35

Arestado ang incumbent vice mayor ng Batuan, Masbate na isa sa mga responsable sa pamamaslang kay dating Batuan vice mayor Charlie Yuson III matapos itong matunton sa pinagtataguan sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte, Huwebes ng hapon.

Ayon sa Bicol PNP, naaresto ang kasalukuyang vice mayor ng nabanggit na bayan na si Nelson Cambaya sa bisa ng warrant of arrest dahil sa mga kasong Murder at Frustrated Murder.

Batay sa impormasyon, natunton si Cambaya sa hideout nito sa Brgy. Quinapagian, bayan ng Mercedes, lalawigan ng Camarines Norte, alas-5:00 ng hapon nitong Huwebes.

SM food to go Banner Ad

Hawak ngayon ng Mercedes Municipal Police Station si Cambaya kung saan walang inirekomendang piyansa sa mga kinahaharap niyang asunto.

Matatandaang pinagbabaril habang nag-aalmusal si Yuson sa may Vicente Cruz St., Sampaloc, Maynila noong Oktubre 19, 2019. Dalawa sa mga kasama nito ang sugatan.

Maliban kay Cambaya, dawit din sa kaso sina Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam, anak na si Marco Martin gayundin sina Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna at Rigor dela Cruz. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.