Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Masbate niyanig ng magnitude 4.8

0 188

Tinamaan ng magnitude 4.8 na lindol ang Masbate, Lunes ng madaling-araw.

Sa unang bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagtala ng magnitude 5.1 ang pagyanig. Binaba ito sa magnitude 4.8 sa sumunod na bulletin.

Ang lindol ay nangyari alas-4:23 ng madaling-arawsa 11 kilometro timog-silangan ng bayan ng Cataingan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May 16 kilometrong lalim ang tectonic earthquake na ito.

Naramdaman ang mga Intensity III sa Masbate City at Intensity II naman sa bayan ng Irosin at Magallanes, Sorsogon.

Ayon sa Phivolcs, hindi inaasahang magdudulot ng pinsala o aftershock ang naitalang lindol. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.