Una sa Balita

Masaya na naman ang mga buwitre!

By
0 864

Inamin ng National Food Authority (NFA) na bumaba ang ‘stock’ ng bigas resulta ng pagkasira ng mga sakahan na tinamaan ng mga nagdaang bagyo.

Agad namang dumipensa ang NFA at tiniyak sa publiko na makasasapat pa ang suplay ng butil. Nakakasa daw ang 250,000 ng metrikong tonelada ng bigas na aangkatin sa labas, hindi nga lamang tinukoy kung saang bansa manggagaling.

Ayon pa sa NFA nabawasan ang ‘stock’ ng butil dahil sa mga isinagawang ‘relief operations’ ng ahensiya partikular sa Lungsod ng Marawi at mga lugar na sinalanta ng nagdaang mga kalamidad.

Kapag magkukulang ang suplay ng bigas o anumang produkto tulad ng asukal at iba pang butil, ang laging ‘fall back’ ng gobyerno ay mag-angkat.

Normal lamang ito, dahil ang nakataya ay ang kapakanan ng mga mamamayan na ang pangunahing kailangan sa hapag-kainan ay kanin.

Sabi nga sa kanto, magdildil ka na sa asin, basta may kanin.

Ang ganitong sitwasyon ang hinihintay ng mga buwitre. Ang mga ‘smuggler’ ng bigas at galamay ng sindikato, kapwa sa loob at labas ng gobyerno ay buhay na naman.

Hindi pa napipirmahan ang ‘permiso para makapag-angkat,’ ang mga barko nito ay paikot-ikot na sa karagatan ng Pilipinas at kapag nagkaroon na ng ‘timbre’ ay agad dadaong at magdidiskarga ng produkto.

Related Posts

Namamadyik ang ‘volume’ o dami ng mga ididiskargang kargamento. Hindi lang mga ‘container van’ ang ibinababa, kundi halos lahat ng laman ng barko.

Sa isang yugto ng kasaysayan, nanguna ang Pilipinas sa ‘rice production’ sa rehiyon ng Asya. Ang patotoo nito ay ang presensiya sa bansa ng International Rice Research Institute (IRRI) na matatagpuan sa Los Baños, Laguna.

Nag-aral sa IRRI, ang mga ‘rice expert ‘ ng mga bansang ‘top producer’ ngayon ng bigas.

Mahirap na sigurong matamo ang pagiging ‘rice self -sufficient’ ng Pilipinas. Ang Central Luzon na tinatawag na “rice granary’ ay napapalibutan na ng mga subdivision.

Ang mga sakahan ay ‘kinonvert’ sa ‘mass housing,’ dahilan para mabawasan ang mga bukirin.

At ito ay nagaganap sa buong bansa.

Ang daming humanga kay Senador Panfilo Lacson nang tawagin niya ang mga kongresistang nagsusulong ng ‘term extension’ para sa kanilang sarili na ‘doble kapalmuks.’

Ano pa ba ang pwedeng itawag, wala na.