Una sa Balita

Masangkay, Titans alpas sa Red Spikers

0 205

Mga laro ngayon: (Filoil Flying V Centre)
4 p.m. – BaliPure vs Motolite
6 p.m. – BanKo vs Chef’s Classic

TUMANGAY si Mary Grace Masangkay ng 37 excellent sets at 5 points para mag-best player sa pagkarga sa Choco Mucho sa paglusot sa Chef’s Classic, 25-21, 22-25, 25-14, 25-18, sa balik-kinang sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 eliminations Sabado ng hapon sa The Arena-San Juan City.

Bawi ang Flying Titans mula sa 39-41, 19-25, 25-19, 25-20, 15-12 loss sa Pacific Town Army nitong Miyerkoles para sa 2-1 win-loss record para sa tersera puwesto at pinasama ang Red Spikers sa Philippine Army sa ilalim sa 0-3.

Si Kat Tolentino ang nagbida sa Choco sa pts. sa likod ng 13 spikes at two blocks, habang may 13 si Arianna Angustia, naka-12 puntos si Maddie Madayag at may 10 si Bang Pineda.

May 14 pts. si Nieza Viray at 13 si Justine Tiu para sa Chef’s. (Aivan ­Episcope

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy