Una sa Balita

Masamang dulot ng pederalismo, aalamin ng Senado

By
0 576

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Sherwin Gat­chalian sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang umano’y masamang idudulot sa bansa ng pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungo sa pederalismo.

Hiniling ito ng senador sa inihain na Senate Resolution No. 823 para magsagawa ng pagdinig ang kapulungan ukol sa isyu.

Ayon sa ilang miyembro ng gabinete, kabilang na si Finance Secretary Carlos Dominguez, magdudulot umano ang pederalismo ng ‘fiscal nightmare’ para sa gobyerno at ekonomiya dahil sa bil­yong pisong halaga ang kailangan para rito.

“The shift to federalism will radically alter the structure of national and local governments. Alte­ring the structure of government will definitely create uncertainties in economy and doing business. This will have an adverse effective on the short and medium term economic growth of our country,” ayon kay Gatchalian.

Nakapaloob rin sa resolusyon ang mga babala ng mga ekonomista at academician na maaari rin makagulo ito sa mga negosyanteng nasa bansa.

Mismong si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ay nagbabala rin ukol sa negatibong idudulot ng pederalismo.

Ayon sa mga ekonomista, pinakamababa na umano ang P120 bilyon na kakailanganin sa pede­ralismo.