Una sa Balita

Masahista kulong sa pagnanakaw sa kostumer

By
0 1,703

Kulungan ang bagsak ng isang massage therapist matapos mabuking sa closed circuit television camera (CCTV) ang ginawang pangu­ngupit sa pera ng nakatulog na minamasaheng kostumer kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Nahaharap sa kasong theft ang suspek na si Gretel Mercado y Olegario, nasa hustong gulang at residente ng Marikina City matapos sampahan ng reklamo ni Procis Aquino, businessman, may-ari ng pinagtatrabahuhang massage spa.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang alas-11:00 kamakalawa ng gabi Katipunan Ext., Loyola Grand Villas, Malanday, na kung saan ay nakatoka ang suspek na magmasahe sa isang kostumer.

Nabatid na nakatulog umano ang ang kanyang kliyente kaya sinamantala ng suspek ang pangungupit ng pera mula sa wallet nito at inilagay sa drawer.

Nagulat na lamang ang biktima nang papaalis na ito nang mapansin na nawawalan siya ng P7,120 at US$ 200 cash kaya agad na tinignan ang nakakabit na CCTV upang malaman kung sino sa mga masahista ang nagnakaw ng pera ng kanyang pera.

Dito na nakita si Mercado na kumuha ng pera sa wallet ng biktima.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More