Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mas pogi kay Jak: Sanya pantasya ng mga girlash

0 286

Hindi katakataka na pumalo sa 12M ang mga follower ni Sanya Lopez sa TikTok, eh napakasipag naman palang mag-post ng video ng aktres.

Hindi pa naluluma ang isa niyang TikTok entry, may pumatong na namang isang bagong content.

‘Yung isa nilagyan niya ng prickles skin, colored eyes ang kanyang mukha. Ang isa ay nagmukha siyang lalake habang nagda-dialogue.

Sa post na ito lumabas na mas guwapo si Sanya kung naging lalake ito.

Mas “crushable” pa ang itsura niya kay Jak Roberto. Mas pantasya nga ng mga kapwa niya babae si Sanya kesa kay Jak.

Anyway, ang pagti-TikTok ang pinagkakaabalahan ni Sanya ngayong pandemya.

Minguita naudlot showbiz career

Abangan ang interview namin sa Abantelliling kay Dr. Minguita Padilla, na lalabas sa Martes (Jan. 5, 3:00 pm) na mapapanood sa Abante News Online Facebook page, Abante Radyo Tabloidista YouTube channel.

Sa panayam na ito ay kinuwento ni Dr. Minguita na muntik na niyang pasukin ang paga-artista, pero tumutol lang ang kanyang ama.

Inalok na gumanap bilang diwata sa pelikulang “Kapitan Kidlat” si Dr. Minguita at kinausap pa ng direktor ang kanyang ama sa kanilang bahay.

Pero tumanggi ang tatay niya at giniit na gusto nitong maging isa siyang doktor.

Nag-voice lesson si Dr. Minguita noong high school siya, kaya nakakanta ito. Dalawang beses kumanta si Dr. Minguita sa interview namin.

Siyanga pala, nasa ilalim ng Partido Reporma si Dr. Minguita na ang Presidentiable ay si Sen. Ping Lacson, at Bise Presidente naman si Senate House Speaker Tito Sotto.

Lani buwis-buhay sa US concert

Kahit hindi pa sigurado kung napanipis na ang curve ng Covid-19 sa US, magku-concert na agad ng face to face si Lani Misalucha sa California, Chicago, Seattle, Atlantic City.

Buwis-buhay si Lani sa nakatakda niyang concert mula March to April sa Tate.

Nakaposte sa Instagram ni Lani ang artcard ng concert niya, ang “Timeless”, na kung saan ay ka-back to back niya sina Nonoy Zuñiga, Jed Madella.

Matatandaang tinamaan ng matinding karamdaman ang mag-asawa noong mga huling mga buwan ng 2020. Sa tulong ng dasal, parehong gumaling ang dalawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.