Una sa Balita

Mas nakakatakot ang mga kalamidad — Salceda

0 210

Kung mayroong mas dapat katakutan ang Kongreso, ito ay ang mas matitinding kala­midad na maaaring dumating sa bansa at hindi ang bantang pagbibitiw sa puwesto ni Sec. Fortunato dela Peña ng Department of Science and Technology (DOST).

Kamakailan ay nagbanta si Dela Peña na magbibitiw kung itutuloy ang panukalang alisin sa ilalim ng kanyang opisina ang dalawan­g ahensyang tagapag-monitor ng kalamidad sa bansa.

Ito ay ang Philippine Atmospheric, Geophy­sical and Astrono­mical Services Administration (Pagasa) at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Abante Hiring – IT dep

Sa inaapurang panukalang batas kasi sa Kongreso, ang dalawang­ nabanggit na ahensiya ay aalisin sa panga­ngasiwa at superbisyon ng DOST ang Pagasa at Phivolcs upang ipasailalim sa lilikhaing bagong departamento, ang Department of Disaster Resilience (DDR).

Naniniwala kasi si Albay Rep. Joey Salceda, pangunahing may-akda ng panukala, na panahon na para lumikha ng isang ahensiya ng gobyerno na ang solong tungkulin ay tumutok sa para­ting, sa kasalukuyang nanalasa at sa natapos na kalamidad, kasama ang pugsulong ng kahandaan at pagbangon mula sa pananalasa ng mga ito.

“Pinapahalaga­han namin ang kanyang opinion ngunit higit na kinatatakutan ng Kongreso ang pananalasa ng mga kalamidad kaysa kanyang personal na pananakot,” pahayag ni Salceda sa isang pana­yam ng media.