Una sa Balita

Mas matanda sa akin (2)

0 697

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra Holmes: (shortened June 3 letter)

Nag start yung relationship namen last June of 2016. Nakilala ko sya sa isang da­ting website.

Una ayaw niya sken kasi sobra ko daw bata pero di nagtagal napasagot ko siya and nung umuwi ako sa Pinas nagkita kami.

We had sex, which so meaningful to me coz it was my first time po.

When abroad, we call each other every day para di ako mahome-sick. At nasundan pa yun pag umuuwi ako.

We have sex sa hotel. May asim pa sya kahit sa edad niya (mid-50’s). 23 years ung age gap namen. Alam ng family nya yung relasyon namen, while sa side ko walang nakakaalam.

Natatakot ako sa pa­rents ko pag nalaman nila about samen. Ma­dami sila nirereto saken, pero di ako naaattract sa mga bagets, mas naaattract ako sa ages between 50-60 years old which is weird if for my age.

Naiinggit ako sa mga kapatid ko na may asawa na sa ganitong edad. Gusto ko din magkaroon ng sariling family soon pero panu if masaya ako sa feeling ng mature Gf ko? ADAM

Dear Adam:
Maraming salamat sa sulat mo. Parang na­raramdam ko ang iyong dilemma. Mayroon ka nang girlfriend, pero siya ay 23-anyos na mas matanda sa iyo. (mid 50’s)

Kahit na ikaw ay 30 plus at mayroong sari­ling trabaho, hindi mo pa masabi sa iyong mga magulang at mga kapa­tid na mayroon ka nang girlfriend.

Alam nila na nasa edad ka na para magkaroon ng girlfriend at magpakasal, kaya marami silang mga babaeng nirereto sa iyo, pero hindi ka interesado dahil may gf ka na ngayon.

Kahit na hindi ka masaya na tinatago mo sa iyong pamilya na may gf ka na, ok na rin ‘yun dahil mahalaga sa iyo ang pagsasama ninyo ng gf mo.

Pero kahit na masaya ka sa kaniya, gusto mo rin ng pamilya, kagaya ng iyong mga kapatid at mga kaibigan. Mayroon kayang solusyon rito? FINAL INSTALLMENT FRIDAY

Si Dra Holmes­ at nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes­ http://www.facebook.com/dr­margieholmes. Panoorin rin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy