Una sa Balita

Mas maraming trabaho at ‘solopreneurs’

By
0 206

Naratipikahan na po ng Senado ang report ng Bicameral Conference Committee, kung saan miyembro po ang inyong lingkod, na panukalang pag-amyenda sa Corporation Code of the Philippines.

Nagpapasalamat po tayo sa ating mga kasamahan sa Senado lalo na po kay Senator Drilon sa pagsusulong n’ya ng mga reporma sa Batas Pambansa No. 68 na halos 40 taong gulang na po pagkatapos maipatupad ito noon pang 1980.

Napakahalaga po ng batas na ito na nagsilbing balangkas sa pamamalakad ng mga korporasyon sa bansa sa loob ng mahabang panahon subalit tila hindi na po ito angkop sa mga makabagong paraan ng pagnenegosyo ngayon.

Isang uri po ng orga­nisasyong pang-negosyo ang korporasyon na kalimitang itinatatag para bumili at magbenta ng mga produkto at ari-arian, mag-alok ng mga serbisyo, pumasok sa mga kontrata, at iba pa.

Ginagawang basehan din po ng mga investor ang Corporation Code of the Philippines sa pagdedesisyon nila kung dapat ba silang mamuhunan o hindi sa bansa.

Dahil napakahigpit po ng mga reglamentong nakasaad sa lumang batas o BP 68, palagi pong bagsak ang ranking ng Pilipinas sa Ease of Doing Business Report ng World Bank.

Sa listahan po ng 190 bansa sa buong mundo, pang-166 po tayo sa larangan ng pagsisimula ng negosyo at nakakadismaya po ito para sa mga gustong mamuhunan sa bansa at mga Pilipinong gustong mag-negosyo.

Kaya pinapahintulutan po ng panukalang batas ang ‘one-person corporation’ na dati po ay kaila­ngan pa ng lima hanggang labinlimang indibidwal o incorporator.

Napipilitan po tuloy ang mga ‘solopreneur’ o yung mga kababayan nating nagpapatakbo ng sarili nilang negosyo na magpe-rehistro bilang ‘sole o single proprietorship’ at dahil dito, lantad po sila sa mga panganib na pinansyal.

Related Posts

Tema ng debate

Am I normal? (2)

Agawan sa lupa

Sa single proprietorship, personal po ang liability o pananagutan ng may-ari at apektado o maaring habulin ng creditor o bangko ma­ging ang kanyang mga personal na ari-arian tulad ng bahay, sasakyan at maging ang kanyang personal na ipon sa bangko.

Kapag naipatupad ang mga reporma sa Corporation Code, inaasahan po nating maraming Pilipino ang mahihimok na magtatag ng sariling negos­yo at magpapataas din po ito sa competitiveness ng Pilipinas dahil kalakaran na ngayon sa ibang bansa ang mga korporasyong may isang stockholder lang.

Bukod pa dito, tinatanggal rin po ng panukalang batas ang minimum capital requirement at binibigyan ng perpetual o walang hanggang pag-iral ang mga korporasyon sa Pilipinas.

Kapag tuluyan pong naisabatas ang Revised Corporation Code of the Philippines, magbibigay-daan po ito para dumami ang mga Pinoy solopreneur na lilikha ng mga bagong oportunidad at trabaho para sa ating mga kababayan.

Job Fair Schedule:

KCC Job Fair – Kaban­kalan Catholic College Campus – Kabankalan City – Disyembre 3

Alaminos City District Wide Job Fair – Don Leopoldo Sison Convention Center – Alaminos City – Disyembre 4

DOLE 85th Anniversary Job Fair – SM City Cabanatuan Acti­vity Center – Cabanatuan City – Disyembre 5

Bacnotan Job Fair – Covered Court Town Plaza – Bacnotan,La Union – Disyembre 6

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy