Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mas maraming Pinoy positibong giginhawa buhay

0 95

Halos kalahati ng mga Pilipino na nasa hustong edad ay umaasang giginhawa ang kanilang buhay sa susunod na taon, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey.

Nagsagawa ng survey ang SWS nitong Abril 19-27 sa 1,440 Pilipinong nasa hustong edad. Tig-360 katao ang kinuha nilang respondente mula sa Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.

Lumabas sa resulta na 44% ang ‘optimists’, 39% ang naniniwalang mananatiling ganoon pa rin ang kanilang buhay, 4% ang nagsasabing mas lalala ito, at 13% ang tumangging sumagot.

Nakakuha ng iskor na +39 ang Net Personal Optimism na maikaklasipika ng SWS bilang pinakamataas. (Ansherina May Jazul)

Leave A Reply

Your email address will not be published.